Patuloy ang pag-ikot ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa ilang bahagi ng lungsod ng Manila at San Juan ngayong araw.
Ito’y upang muling maghanap ng mga Batang RT o Batang Tatak DZXL.
Sa ikalawang araw sa muling pag-arangkada nito, mula alas-7:00 hanggang ngayong tanghali, 15 mga bata ang nabigyan ng Batang RT, t-shirt, personalized facemask at regalo bundle.
Isa sa mga nakatanggap ng regalo ay ang apo ni Lola Cora Calaw, 64-years old na halos 25 taon ng nakatira sa lansangan at ang pitong taong gulang na apo nitong babae.
Ayon kay Lola Cora, ang kinikita niya sa pangangalakal ay tama lang para sa pagkain nilang mag-lola sa araw-araw.
Dahil gusto ni Lola Cora na mabigyan ng matitirahan at nais din niyang makapag-aral ang kaniyang apo kaya naman may panawagan ito sa kanyang anak na halos pitong taon na silang iniwan.
Ang Batang RT, Batang Radyo Tatak DZXL, Radyo Trabaho gift-giving activity ay may layuning maipadama ang pagmamahal at kasiyahan sa mga bata ngayong panahon ng pandemya.
Kahapon, 15 mga bata rin sa Quezon City ang nabenipisyuhan ng nasabing aktibidad ng DZXL 558 Radyo Trabaho.