Isang lolo, patay nang bumangga ang sinasakyan sa poste ng Meralco sa Taguig City

54

Taguig City, Philippines – Patay ang isang 73-anyos na lolo matapos sumalpok sa poste ng Manila Electric Company (Meralco) ang minamaneho nitong sasakyan sa C-5 road, Taguig City.

Nasawi habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Rodolfo Albais, residente ng zone 6, Brgy. Signal Village.

Sakay noon ang biktima ng kaniyang owner type jeep at binabagtas ang C-5 road malapit sa tollgate ng South Luzon Expressway nang lumipat ito sa motorcycle lane.

Pero hindi nito nakontrol ang preno ng kanyang sasakyan hanggang sa sumalpok ito sa isang poste ng Meralco.

DZXL558

Facebook Comments