16,000 cash, ninakaw ng isang kasambahay sa Quezon City

59

Manila, Philippines – Aabot sa labing anim na libong piso cash ang ninakaw ng isang kasambahay mula sa kaniyang amo sa Brgy. Baesa, Quezon City.

Batay sa kuha ng CCTV, nagwawalis noon ang suspek na si Maricel Madera at palinga-lingang lumapit sa cabinet.


Dito ay pilit niyang binuksan ang drawer pero nang mapansing may papasok itinuloy nito ang pagwawalis.

Nang muling makakuha ng pagkakataon, dito na niya nakuha ang sobreng may pera at itinago sa kaniyang likuran.

Matapos nito, ayon kay Elisa Sison, biglang umalis ang kasambahay at hindi na bumalik.

Bukod sa cash, kinuha rin ng suspek ang isang cellphone.




Tiniyak naman ng agency na pinagkuhaan kay Madera na nakahanda silang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Payo naman ng mga otoridad sa mga kumukuha ng kasambahay na maging maingat at kilalaning mabuti ang mga pinagkakatiwalaan.

DZXL558

Facebook Comments