Isang lugar sa Apayao at 3 sa Abra, nakapagtala ng ASF infection sa mga baboy-ramo o wild boar

Kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Noel Reyes na isang lugar sa Apayao at tatlo naman sa Abra ang nakapagtala ng African Swine Fever (ASF) sa mga baboy-ramo o wild boar.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Asec. Reyes na batay sa report ng Bureau of Animal and Industry, as of May 21, apektado na ng ASF ang mga wild boar sa Kabugao sa Apayao habang sa Abra naman ay ang Licuan Baay, Maligcong, at Sallapadan.

Kasunod naman ito ng pagpositibo sa ASF ng baboy-ramo sa Abra na isinailalim sa laboratory test.


Ang Abra ay napapagitnaan ng Apayao at Ilocos .

Tiniyak naman ni Reyes na gumawa na sila ng hakbang upang hindi na kumalat ang ASF infection sa iba pang lugar.

Nakikipagtulungan ngayon ang DA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang abisuhan ang mga mangangaso o hunter ng baboy-ramo na huwag nang mag-uwi ng karne ng baboy-ramo sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments