Isang magsasaka, Arestado matapos magnakaw!

49

Tumauini, Isabela – Dinakip ang isang magsasaka pasado alas dose kaninang tanghali matapos magnakaw sa isang establismento sa Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Edelma Cainguitan Divina, trentay syete anyos, may asawa at residente ng Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela habang ang biktima ay kinilalang si Jesus B. Ugaddan at residente naman ng nasabing lugar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP Tumauini si Divina matapos maaktuhan ng nakaduty na sekyu ng naturang establismento ang ginagawang pagnakaw nito sa ilang mga bagay habang inilalagay sa loob ng kaniyang bag at nagpanggap pa itong customer.

Dinala na sa himpilan ng PNP Tumauini si Divina para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers