Lima, arestado sa magkahiwalay na buy bust operation sa QC

71

Manila, Philippines – Arestado ang limang indibidwal samagkahiwalay na buy bust operation sa isang Apartlle sa Lungsod Quezon kagabi.
  Sinalakay  ng mgaoperatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD  Station 7 ang Centro Apartelle dito sa 12Avenue sa Cubao QC.
  Sa Room 38 ay naaresto sina  Amara Kim Manansala 29 anyos ang target ngoperasyon, Ronald Ariel Abella 36 anyos at Andy Dagalla 40 anyos
  Nakuha mula sa kanila ang anim na sachet ng hinihinalangshabu, cellphone, limang daang pisong buybust money at mga pera.
  Sa Room 59 naman naaresto sina Joeharry Honorio 45anyos  at Robert Celestial 33 anyos.Narecover ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang apat nalibong piso, tatlong cellphone mga pera at 500 peso buy bust money.
  Ayon kay P/Supt Louis Benjie Tremor hepe ng QCPD  Station 7, posibleng kaya sa apartelleginagawa ang transaction ng mga tulak ng illegal na droga ay para makaiwas samga operatiba na sumusunod sa kanila.
  Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive DangerousDrugs Act ang ang kasong isasampa sa  mganahuling suspek.
   

Facebook Comments