Isang Magsasaka, Muntik nang Makapatay dahil sa Pagnanasa

Cauayan City, Isabela- Walang bakas ng pagsisi sa mukha ng isang magsasaka matapos nitong pagbabarilin ang isang lalaki dahil sa labis na pagnanasasa sa live in partner ng biktima.

Ang suspek ay kinilalang si Orlando Gregorio, 39 taong gulang, may asawa at residente ng Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela samantalang ang biktima ay kinilalang si Melvin Serbito, 34-taong gulang at residente naman ng Sagat, Ilocos Sur.

Sa ginawang pagsisiyasat ng PNP Mallig, nagtungo sa isang bahay kainin ang suspek kasama ang mga barkada nito upang mag inuman.


Matapos makainom ng ilang bote ng alak, umalis ang mga ito subalit matapos ang ilang sandali ay bumalik ang suspek at agad na pinagbabril ang biktima gamit ang isang kalibre 38 na baril.

Agad namang naisugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan na ngayon ay nagpapagaling matapos na magtamo ng ilang tama ng bala.

Samantala, nasukol din ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng kapulisan sa pangunguna ni PCapt. Joel Bumanglag, hepe ng kapulisan sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng mga imbestigador, lumalabas na labis-labis umano ang pagnanasa ng suspek sa kinakasama ng biktima kaya’t nagawa nito ang naturang krimen.

Handa rin umanong makapatay ang suspek upang mapa sa kanya lamang ang naturang dalaga na itinago sa pangalang Jane.

Sa ngayon, nasa pag-iingat ng PNP Mallig ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso hinggil sa nagawang krimen at nahulihan pa ng iba’t-ibang uri ng mga bala.

Palala naman ng Hepe na huwag idaan sa dahas ang pagpapadama ng pagmamahal sa isang tao upang makaiwas na makagawa ng kahalintulad na krimen.

Facebook Comments