Isang Magsasaka sa Quirino, Isabela, Timbog sa Pag-iingat ng Iligal na Baril at Granada!

*Quirino, Isabela- *Arestado sa pag-iingat ng iligal na baril at droga ang isnag magsasaka matapos isilbi ang Search Warrant pasado alas sais kaninang umaga sa brgy. Sta. Luciana, Quirino, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ferdinand Cabacungan Pacion, kwarentay nuebe anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga otoridad si Ferdinand kasama ang brgy Captain at mga brgy. Officials sa pamamagitan ng kanilang isinilbing Search Warrant, Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop na inihain ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC 2nd Judicial Region Branch 23 Roxas, Isabela.


Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre kwarentay singko na baril na may kasamang limang bala at isang hand grenade.

Hawak na ng PNP Quirino si Cabacungan na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“ at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Facebook Comments