Isang malaking babuyan sa gitnang luzon, tinamaan na rin ng ASF ayon sa BAI

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagkaroon ng ASF ang isang commercial piggery sa gitnang Luzon.

Ayon kay Dr. Ronnie Domingo, director ng BAI, isinasailalim na sa culling ang mga baboy doon.

Hinala ni Domingo, posibleng tinamaan ng ASF ang nasabing piggery dahil una ng tinamaan ng virus ang mga backyard hog raiser doon.


Hindi na sinabi ng opisyal ang saktong lokasyon ng apektadong commercial pigggery pero ayon sa kanya, ito ay sa lalawigan na may insidente na ng ASF noon.

Samantala, sa harap ng pagkalat ng virus sapat pa rin umano ang supply ng baboy sa bansa.

Facebook Comments