Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sampolan ang mga matiwali sa loob ng philhealth,inanunsyo ni Philhealth president Ricardo Morales ang isang malawakang reorganisasyon.
Sa kapihan na isinagawa sa city state center sa Pasig, sinabi ni Morales na bilang panimula sa gagawin niyang paglilinis ay inilipat niya sa puwesto ang nasa labing isang regional directors ng Philhealth.
Asahan aniya sa masusundan pa ang mangyayaring reorganization lalupat magpapalawak na ng programa ang ahensya sa ilalim ng Universal health care law.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakabunyag ng multi milyong ghost dialysis transaction ng Philhealth sa wellmed center.
Ayon kay morales, nasa 20,000 na kaso ng anomalya ang natuklasan ng Philhealth.
Abot aniya sa 30 billion pesos ang nawala sa kaban ng ahensya sa nakalipas na limang taon dahil sa mga fraudulent transactions.
Gagamitin na rin ng philhealth ang makabagong teknolohiya partikular ang biometrics para maiwasan na maulit muli ang ghost dialysis patients.