Isang Malaysian terrorist, namumuno umano sa mga natitirang miyembro ng Maute-iSIS Group

Manila, Philippines – Isang Malaysian terrorist, ang namumuno ngayon sa mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS group sa Marawi City.
Ito ay matapos mapatay ang lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute na nasundan pa ng pagkakasawi sa operasyon ni Dr. Mahmud Ahmad, na financier ng grupo.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, ang dayuhang terorista na si Amin Bacu ay pumasok sa bansa noong 2010 sa pamamagitan ng southern backdoor.
Sa ngayon, patuloy na nakikipagbakbakan sa mga sundalo ang mga natitirang terorista sa tatlong istruktura sa Marawi.

Facebook Comments