Manila, Philippines – Hiniling ng isang mambabatas sa Commission on Higher Education na ipasara ang mga low performing nursing school sa bansa.
Ayon kay Assistant Minority Leader Harlin Neil Abayon III, nasa 135 na mga nursing school ang hindi man lamang nakaabot sa 15 percent passing rate.
Sinabi pa ni Abayon na isa ring registered nurse lubha siyang naalarma sa hindi pagperform ng 29 percent na nursing school.
Maituturing aniyang kritikal na bahagi ng health care ang pagmimintina ng mataas na standard dahil nakasalalay dito ang pangangalaga at pagsasalba sa buhay ng isang tao.
Aniya, ang mababang passing rate ng nursing licensure exam ay sumasalamin sa kung paano ang takbo ng nursing program ng mga nursing schools.
Dahil dito, hinikayat ni Abayon ang Professional Regulation Commission o PRC na ilathala ang performance ng mga nursing schools para malaman ito ng publiko lalo na ang mga magulang.