Isang Manggagawa, Sugatan sa Pananaga sa Cabatuan, Isabela!

*Cabatuan, Isabela- *Sugatan ang isang construction worker matapos tagain ng isang lalaki pasado alas dos ng hapon, April 11, 2019 sa Brgy. Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Diody Labuguen, 29 anyos, binata, residente ng Brgy Paraiso, Cabatuan, Isabela habang ang suspek ay si Domer Bernardo, 30 anyos, may asawa, driver at residente naman ng Brgy Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nagtungo ang biktima sa isang tindahan nang biglang dumating ang suspek na may hawak na dalawang itak at biglang itinaga sa biktima.


Agad namang nakadipensa ang biktima at naagaw ang hawak na itak ng suspek.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawa na dinala naman sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Iniimbestigahan pa ng PNP Cabatuan ang naturang insidente.

Facebook Comments