Isang Marriage Proposal sa Lingayen Beach Nag-viral!

Hindi lamang pasyalan ang Lingayen beach dahil isa rin itong lugar upang magpahayag ng pagmamahal. Trending sa Social Media ngayon ang kauna unahang flash mob dance marriage proposal ng isang Pangasinense na si Ricky S. Bartolome sa kaniyang fiance na si Maria Shella Ramos sa harap ng Lingayen Beach Pangasinan.

High school lovers ang dalawa at long distance relastionship dahil pumunta sa Canada si Ricky at Dubai naman si Maria Shella. Kailangang itago ni Ricky ang pag uwi nito sa Pilipinas upang masorpresa ang kaniyang fiance sa balak nito kaya naghire siya ng videographer at choreographer. Flash Mob Dance ang naisip niya sapagkat noon pa man hiling ng kaniyang fiance na sumayaw ito. Sa harap ng pamilya nila at ng maraming tao sa Lingayen Beach nagpropose si Ricky.

Ayon sa Provincial Government ng Pangasinan susuportahan nila ang sinumang magbabalak ng Marriage Proposal sa Lingayen Beach. Ano pang ginagawa mo bestfriend baka ikaw na ang susunod na makatanggap ng I DO!


Ikaw paano mo gustong i-surprise ang taong mahal mo?

Narito ang link ng nasabing viral video: <iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Felmerkim.delacruz%2Fvideos%2F1636019489789860%2F&show_text=0&width=560″ width=”560″ height=”315″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowTransparency=”true” allowFullScreen=”true”></iframe>

Photo credited to Mr. Ike Decena

Facebook Comments