Mga nasa likod ng pagpatay kay Horacio Castillo III, hiniling na isuko ng mga alumni ng Aegis Juris law fraternity; Hold Departure Order sa mga suspek, hiniling din ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hinimok ni assistant Minority leader Ron Salo ang mga alumni members ng Aegis Juris law fraternity na kusang isuko ang kanilang mga miyembro na nasa likod ng hazing at pagkakapatay sa 1st year UST law student na si Horacio Castillo III.

Ayon kay Salo, dapat na kumbinsihin na ng mga nakakatandang miyembro ng fraternity ang mga responsable sa pagkakapatay kay Castillo upang makapagbigay linaw sa nasabing insidente.

Sa ganitong paraan ay makakatulong pa sa mga otoridad kung isusuko ang mga ka-frat para mapadali ang pagresolba sa kaso.


Hiniling din ng kongresista na isyuhan ng Department of Justice ng Hold Departure Order ang mga suspek sa oras na masampahan ng kaso ang mga ito.

Kasabay nito ay kinundena din ni salo na isa ring law professor sa De La Salle University ang hazing at dismayado ito sa krimen na kinasangkutan ng mga future lawyers sana ng bansa.

Facebook Comments