Isang mataas na opisyal ng PDEA, namatay dahil sa COVID-19

Pumanaw na ngayong hapon ang director ng Laboratory Service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa COVID-19.

Sa Facebook post ng PDEA, nagpahayag na ng pakikiramay si PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva sa pamilya ng yumaong si PDEA Dir. Lyndon Aspacio.

Si Aspacio ay pinuno ng Laboratory Service ng PDEA sa kanilang headquarter sa Quezon City.


Bagama’t walang binanggit ang PDEA kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng 54-anyos na opisyal, ayon sa isang malapit na kaibigan ni Dir. Aspacio, COVID-19 ang ikinamatay nito.

Sa tindi umano ng infection ni Dir. Aspacio ay na-intubate pa ito bago binawian ng buhay ngayong hapon.

Si Aspacio ay nanungkulan na bilang Regional Director ng PDEA sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kung saan ang huli nitong hinawakan ay PDEA Region 3 bago ito mailipat sa punong tanggapan ng ahensya sa QC.

Facebook Comments