Isang Mekaniko na may kasong Bigong Pagpatay, Huli sa Ilagan City, Isabela!

*Ilagan City, Isabela- *Nasakote na ng kapulisan ang isang lalaki na may kasong Frustrated Homicide dakong alas onse kwarenta kaninang umaga, Agosto 14, 2018 sa Brgy. Calamagui 2nd, City of Iagan, Isabela.

Ang nadakip na akusado ay kinilalang si Hanibal Directo Jacob, bente nuebe anyos, isang mekaniko at residente ng brgy. San Antonio, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, una nang nagsagawa ng manhunt operation ang Gamu Police Station sa brgy. Upi, Gamu, Isabela subalit nag negatibo ito at nang mag follow-up operation ang kapulisan sa Lungsod ng Ilagan ay nahuli ito sa nasabing Lungsod.


Dinakip si Hanibal sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18, City of Ilagan, Isabela dahil sa kaso nitong Frustrated Homicide.

Dinala na sa PNP Gamu ang suspek at pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso.

Facebook Comments