Isang mekaniko, pinagbabaril patay sa QC

132

Manila, Philippines – Patay ang isang mekaniko matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kagabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Hygleen Lobitaña 21 anyos matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.


Batay imbestigasyon ng pulisya , nakatambay lamang sa bahagi ng Steve Street ang biktima kasama ang mga kaibigan nito nang barilin ng isang lalaking nakasuot ng bull cap at itim na sando.

Napag-alaman na nakikinuod lang sa T.V ng kapitbahay ang biktima nang mangyari ang pamamaril.

Kwento ng biyenan ng biktima, may nakaaway umanong kapitbahay ang biktima noong nakaraang linggo matapos itong makabasag ng bumbilya.

Pero nagkaayos naman umano ang biktima at ang kapitbahay pero pinagbantaan pa rin umano ito ng nakaalitan.




Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan ito sa nakaalitan noong nakaraang linggo ang motibo ng pamamaril.

Facebook Comments