Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ng pamunuan ng POSD na isang tauhan ang suspendido ng dalawang araw.
Ayon sa pahayag ni Public Order Safety Division Chairman Edwin Lucas, nagsimula umano kahapon hanggang ngayong araw ang naipataw na kaparusahan sa isang tauhan POSD dahil sa hindi pagsuot ng tsaleko.
Aniya ang tsaleko ng POSD ay kailangang isuot upang makita na sila ay isang namamahala ng trapik sa daan.
Dati na umanong napag-usapan o isang alituntunin ng POSD na kung hindi isuot ay maari silang masuspinde.
Mahalaga umano na isuot ang tsaleko na may reflectorize light upang makaiwas sa disgrasya o maaring masagi ng sasakyan.
Samantala ang reflectorize light na tsaleko ng mga POSD traffic member ay mula sa pondo ng city goverment .
Facebook Comments