Isang metrong distansya sa mga pampublikong transportasyon, pinanatili ni Pangulong Duterte

42

Mananatili pa rin ang isang metrong distansya sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang binigyan-diin ngayon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing usapin.

Ayon kay Roque, pinag-aralang mabuti ng Pangulo ang opinyon ng magkabilang panig kung saan nagdesisyon ito na papanatilihin ang isang metrong distansya sa mga pampublikong transportasyon.

Dapat din aniyang may suot na face mask, face shield ang mga pasahero at wala ring magsasalita, kakain at palagiang isa-sanitize ang mga pampublikong sasakyan.

Sa pamamagitan aniya nito ay makasisiguro na maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments