Waitlisted Families mula sa iba’t ibang Barangay, Tumanggap ng SAP Assistance

3349

Cauayan City, Isabela- Ipinagpapasalamat ng ilang residente mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Cauayan matapos silang mapabilang sa tatanggap ng ayuda na mga waitlisted families sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Ginang Alma na residente ng Brgy. Maligaya, malaking tulong ang pagtanggap nila ng ayuda para sa kanilang pang araw-araw na gastusin sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Giit ni Alma, gagamitin niyang pambili ng bigas ang nakuhang pera at iba pang gastusin sa kanilang pamilya.

Nabatid na isa si Alma na naapektuhan ng tagtuyot sa kanyang sinasakang mais kung kaya’t maituturing na biyaya ang pagtanggap nito ng ayuda na halagang P5,500.00

Bagama’t may kaunting natanggap mula sa napakinabangan pang ani ng mais ay malaki pa rin ang pagkalugi ng kanilang sakahan sa nangyaring drought dahil na rin sa inutang lang ang puhunan nito.

Facebook Comments