Isa umanong miembro ng kidnap-for-ransom-group (KFRG) ang naaresto sa isang law enforcement operation sa lalawigan ng Zamboanga del Norte kamakailan.
Sa report ng pulisya, ang naaresto ay si Asbi Samdani, 39, miembro ng Barahama Alih group, ayon kay Police Regional Office-Zamboanga Peninsula director Emmanuel Licup.
Ang Barahama Alih group ay parehong itinuturo ng militar at pulisya na sangkot sa kidnappings, robbery holdups, contract killings, at iba pang krimen.
Ayon kay Police Brigadier General Licup, si Samdani ay naaresto kamakailan sa Barangay Susukan sa lungsod ng Salug sa naturang lalawigan.
Si Samdani ay may standing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 with no bail bond recommended na inisyu sa korte ng Ipil, Zamboanga Sibugay.
Ayonsa pulisya, isang granada ang na-recover mula sa posisyon ni Samdani nang ito’y maaresto ng joint team ng militar at pulisya. -30- (Mardy D. Libres)
Isang miembro ng kidnap-for-ransom-group (KFRG), naaaresto ng mga otoridad sa Zamboanga del Norte
Facebook Comments