Nagkasa ng bike caravan ang isang militanteng grupo sa lungsod ng Maynila.
Ito’y upang ipanawagan na tutukan ng pamahalaan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa grupong Anakpawis, tila napapabayaan na ng gobyerno ang mabilisang pagtaas ng presyo ng langis sa loob ng walong linggo.
Ito’y sa kabila ng krisis sa ekonomiya at kalusugan dulot ng COVID-19 pandemic.
Iginiit din ng grupo na nakakalimutan na ng gobyerno na hindi pa nawawala ang pandemya at unti-unti pa lamang nakakabalik sa kanilang hanapbuhay ang ilang mamamayan.
Nagsimula ang bike caravan sa Road 10 kung saan tutungo sila sa España Blvd. para salubungin naman ang ilang nagkikilos protesta rin mula Quezon City saka sabay-sabay na pupunta ng Mendiola upang doon ipagpatuloy ang protesta.