Isang milyong mamimili, inaasahang daragsa sa Divisoria ngayong weekend

Dagsa pa rin sa Divisoria sa Maynila ang mga last minute shopper dalawang araw bago ang Pasko.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson Police Major Philipp Ines, nitong mga nakaraang araw, umaabot sa 300,000 hanggang 400,000 ang namimili sa Divisoria.

Pero posible pa aniya itong pumalo sa isang milyong ngayong weekend.


Kaugnay nito, nagpakalat na ang MPD ng aabot sa 2,000 tauhan para masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili.

Facebook Comments