No vaccine, ‘No…policy’, mahigpit na ipinatutupad ng isang bus company sa Pasay City

Mahigpit na ipinatutupad ang no vaccine, no ride policy sa Partas Bus Terminal sa tramo, Pasay City.

Partikular ang mga biyahe patungong Northern Luzon tulad ng Laoag, Vigan, Abra, Candon at La Union.

Ayon sa pamunuan ng Partas Bus Company, layon nito na matiyak na ligtas pa rin sa COVID-19 ang kanilang mga pasahero.


Para naman sa mga walang maipakitang vaccine card, kinakailangan lamang nila mag-prisinta ng negative antigen test result na kinuha sa loob ng bente kwatro oras.

Samantala, tuloy-tuloy ang biyahe ng mga bus ng Partas kahit sa mismong araw ng Pasko.

Inaasahan namang mamayang gabi ang buhos ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.

Facebook Comments