Manila, Philippines – Nagpapahabol ng isang milyong marking pens ang Commission on Elections (Comelec).
Sa inilabas na memo ng Comelec Central Office, pinababalik ng poll body sa mga local offices nito ang mga marking pen na ibinigay sa kanila.
Mas mainam na bago ang pen na gagamitin para maiwasan ang aberya.
Aminado si Comelec Spokesperson James Jimenez – na luma na ang mga ipinadalang marking pens na ginamit sa testing.
Tiniyak ng Comelec na aabot ang in-order nilang isang milyong marking pens mula lima hanggang walong marking pens ang ibibigay sa mahigit 85,000 presinto.
Samantala, aarangkada na rin sa susunod na linggo ang final testing at sealing ng vote counting machines o VCM.
Facebook Comments