Isang miyembro ng Bahala na Gang, arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa QC

Manila, Philippines -Arestado ang isang miyembro ngBahala Na Gang matapos na tangayin nito ang cellphone ng isang laborer saQuezon City.
  Kinilala ang suspek na si John Christopher  Guan 35 anyos residente ng  Hilcrest StreetBrgy. Immaculate Concepcion  Cubao QC.
  Ayon kay PO1 Emerald Layun ng Station 7 ng QCPD  naglalakad ang biktima na si  Ian Jay  De Chavez 25 anyos residente ng  ClaverlandSucat Muntinlupa City sa Edsa patungong Brgy. Immaculate Concepcion Cubao nangsundan ng suspek pagkatapos dinukot ang cellphone  mula sa dala dalang nitong backpack
  Mabuti nalamang napansin ng biktima kayat humingi siya ngtulong sa mga nagpapatrolyang pulis hinabol ang suspek hanggang sa maaresto.
  Nabawi mula sa suspek ang ninakaw nitong cellphone.

Facebook Comments