Isang pusher, pinagbabaril ng limang kalalakihan patay sa QC

96

Manila, Philippines -Patay ang isang  drug pusher at snatcher  matapos pagbabarilin sa kanto ng Commonwealthat Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City kaninang madaling araw.
  Kinilala ang biktimang si Marlon Cruz alyas”Balong” 28 anyos  mataposmagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan.
  Ayon sa imbestigasyon ng pulisya , galing bingguhan angbiktima at papasakay na sana sa kanyang motorsiklo nang barilin ng mga suspekna nakasakay sa kotse.
  May kasama pa umanong babae ang biktima pero nakatakboagad ito kaya hindi tinamaan ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
  Napag-alaman na dinukot na ang biktima ng hindi malamangmga suspek noong nakaraan linggo pero nakatakas lang ito.
  Ayon sa mga taga Barangay, kabilang umano sa drugwatchlist nila ang biktima bilang drug pusher at sangkot din sa mga insidenteng panghahablot ng cellphone sa bahagi ng Tandang Sora.
  Tumanggi nang magbigay nang pahayag ang pamilya ngbiktima  sa anumang posibleng nakikitangnilang motibo sa pamamaslang.
  Iniimbestigahan na ng pulisya kung mayroong CCTV camerasa pinangyarihan ng krimen upang malaman kung sino at ano ang motibo ng mgasuspek sa  pamamaslang sa biktima.
 

Facebook Comments