Isang Miyembro ng Danilo Ben Command, Patay sa Naganap na Sagupaan ng 17th IB at NPA!

Flora, Apayao – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army o NPA sa naganap na bakbakan ng 17th Infantry Batallion bandang alas onse kaninang umaga sa Brgy. Malayugan, Flora, Apayao.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan kay Lieutenant Col. Camilo Saddam, ang Commanding Officer ng 17th Infantry Batallion, nagkaroon ng sagupaan ang kanyang tropa laban sa mga rebelde matapos maaktuhan ang mga ito sa isinasagawang pangingikil sa naturang barangay.

Ayon pa kay Lt. Col. Saddam na nagsitakas ang mga nasa mahigi’t kumulang na dalawampung miyembro ng NPA na kasapi ng Danilo Ben Command matapos ang labinglimang minutong barilan.


Narekober naman sa pinangyarihan ang isang M16 rifle at mga subersibong dokumento.

Dinala na sa pinakamalapit na barangay ang bangkay ng napatay na NPA para sa kanyang agarang pagkakakilanlan habang Patuloy naman sa isinasagawang pagsisiyasat ang tropa ng kasundaluhan sa naganap na bakbakan.

Facebook Comments