Isang miyembro ng Maute Group na naaresto ng mga kapulisan, patay na

219

Pagadian City – Ikinukunsiderang isang leksyon sa pamunuan ng Pagadian City PNP matapos madiskubreng nakapasok na pala sa lungsod ang labing tatlong miyembro ng Maute Group.

Inamin ni Psupt. Kiram Jimlani na may lapses sa kanilang seguridad.

“Yes, lesson yan ang nangyari, dapat higpitan pa ang seguridad” pahayag ni Jimlani.

Aniya, nakakapasok ang mga suspek dahil may mag ID’s din silang ipinakita sa mga otoridad.

Sa huling impormasyon na nakuha ng RMN Pagadian, binawian nang buhay ang isa sa mga naaresto na si Junaid Dimarugong alyas Amerodin Ameril na may sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang paa.

Facebook Comments