Lalaki – pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Calumpang, General Santos

16

General Santos City – Droga at trabaho ang isa sa mga anggulong tinututukan ngayon ng pulisya hinggil sa pamamaril sa isang kristo ng sabungan na si Walter Mesias, 39, residente ng Octavio Vill., Barangay Cannery site, Polomolok, South Cotabato.

Sinabi ni Police Chief Inspector Cris Tio Lagyop, hepe ng Police Station 5, dito sa Gensan na posibling may kinalaman sa illegal drugs ang motibo ng pamamaril.

Samantala, hindi din binalewala ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa trabaho nito bilang kristo ng sabungan ang motibo ng pamamaril.

Alas 8:30 ng gabi nang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima habang ito ay nasa 3rd Road., Barangay Calumpang nitong lunsod.

Nagkaroon ng tama sa kanyang tsyan ang nasabing biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Iniimbistigahan pa ngayon ng pulisya ang suspek ng nasabing krimen.

Facebook Comments