Isang miyembro ng Philippine Army at isang criminology student, nahuli sa pagbebenta ng shabu sa Iloilo City

148

Iloilo City – Arestado ang isang miyembro ng Philippine Army at kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng Iloilo City Proper Police ctation.

Kinilala ang suspek na si Jonas Largo, 29-anyos, kasapi ng AFP-Phil. Army at residente ng Toboso, Negros Occidental at si Ronnie Jacob Fuentes ng Binalbagan, Negros Occidental.

Sa isinagawang buy bust operation, nabilhan ang mga subject ng isang sachet ng suspected shabu sa halagang isang libong piso at nakuha sa kanilang posisyon ang 12 iba pang sachet ng suspected shabu at isang .45 kalibre na baril.


Samantala, huli rin sa buy-bust operation kagabi ang isang criminology student na kinilalang si Albert Ladrido, 21-anyos ng Anilao, Iloilo.

Matapos ang dalawang buwang pagmamanman, ikinasa kagabi ng Jaro police station drug enforcement unit ang buy-bust operation kung saan nabilhan ang subject ng isang sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 3,100 pesos.

Sa ngayon ay nakadetine na ang naturang mga drug suspects.



Facebook Comments