
Sugatan ang isang motor driver matapos itong mabangga sa isang sedan sa East Ave. corner Edsa sa Quezon City kaninang alas-9 ng umaga.
Ayon kay Jomari Dayrit, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Monitoring ng Edsa Sector, mula sa stoplight ng East Avenue, didiretso sana pa-Timog ang sedan at kakaliwa naman pa-Edsa ang motor.
Ayon sa driver ng sedan, nasa kanan nito ang motor nang papakaliwa ito dahilan para ito’y bumangga sa sedan.
Unang bumagsak ang kaliwang pige ng motor driver at nagkagalos ang tuhod nito na ngayon ay dadalhin naman sa East Avenue Hospital.
Paliwanag pa ni Dayrit na patuloy umano ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at paghaharapin muli ang dalawang panig sa Sector 3 Traffic ng MMDA sa Quezon City matapos dalhin sa ospital ang motor driver.









