
Inaasahan ngayong araw maghahain ng mosyon ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang alisin ang anak ng dinukot at pinaslang na Filipino Chinese businessman na si Anson Que bilang isa sa respondents.
Una nang sinabi ng abogado ni Alvin Que na nadamay lang ang pangalan batay sa naging salaysay ni David Tan Liao na isa sa salarin sa krimen.
Sa isang ambush interview, sinabi rin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ayaw niyang pangunahan kung ano ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya.
Bago niyan, sinabi ng Kalihim na tukoy na ang nasa likod ng krimen at posibleng ikagulat nang marami ang resulta ng ginagawang imbestigasyon.
Nitong Lunes nang sumalang sa paunang imbestigasyon ang mga salarin kabilang ang tatlong naunang hawak na suspek at dalawang nadagdag na Chinese national.