Isang Municipal Engineer, Pinagbabaril

95

Jones, Isabela – Namatay sa pamamagitan ng pamamaril ang municipal engineer ng bayan ng Jones, Isabela.

Sa ulat na ibinahagi ng Santiago City, Isabela based reporter ng RMN affiliate station DWDY na si Michelle Zingalawa Banaga, ang pamamaril ay nangyari sa harap ng Santiago City cockpit arena, Salaysay Street, Dubinan West, Santiago City.


Napag-alaman na ang biktima ay Engineer Johnny Lazaro, ang hepe ng municipal engineering office ng Jones, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang pamamaril ay nangyari bandang 2:15 ng hapon ng Setyembre 19, 2017 ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal na agad umalis sakay ng di naplakahang motorsiko.

Nagtamo ang biktima ng ilang tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan. Sinikap dalhin sa ospital ang biktima ng ilang nakasaksi sa pangyayari ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Santiago City Police Office sa naturang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers