Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng NDRRMC, tuloy na sa September 27

537

Manila, Philippines – Itutuloy na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kanilang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa September 27, 2017

Nakatakda sana bukas ang earthquake drill ng NDRRMC pero dahil sa paggunita ng anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ay hindi na muna ito itutuloy.


Wala kasing pasok ang mga pampublikong paaralan at government offices sa buong bansa bukas.

Batay sa inaprubahang NDRRMC Memorandum No. 117, isasagawa ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Strike Gymnasium, Bacoor, Cavite simula alas 2 ng hapon.

Layon gagawing simultaneous 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill upang makapaghanda ang lahat sa pinangangambahang The Big One.

Facebook Comments