Isang Negosyante, Huli sa kasong Estafa!

Cauayan City, Isabela – Timbog ang isang negosyante matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kahapon sa Brgy Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alvin Caliste Abalajen, 40 anyos, negosyante at residente ng Quezon City, Metro Manila.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP Cauayan City si Abalajen sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Jezarene C. Aquino ng RTC Branch 5, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa kasong Estafa.


Dinala na sa PNP Cauayan City ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon.

Pansamantalang makakalaya si Abalajen kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P120,000.00.

Facebook Comments