Rape suspek sa 8 buwang sanggol, patay matapos mang-agaw ng baril!

“Dead on arrival” nang dalhin sa Ospital ng Maynila ang isang bilanggo na suspek sa panghahalay sa 8 buwang sanggol matapos na barilin ng isang Station Commander ng MPD Station 9 ng ito ay mang-agaw di umano ng baril sa loob ng opisina ng Station Commander.

Nakilala ang napatay na preso na si Benidicto Dizon, 22 anyos construction worker, at residente ng 2288 Leveriza St., Malate, Manila.

Ayon kay SPO3 Richard Escarlan ng Homicide Section ng MPD, naaresto ang suspek at nakakulong sa Station 9 ng MPD dahil sa panghahalay sa 8 buwan na sanggol.


Paliwanag ni Escarlan, dumadaing umano ng sakit ng ulo si Dizon base na rin sa pahayag ng mayor ng selda na si John Gilbert kung saan tinawag niya ang atensyon ni *PO1* Dennis Javier, ang duty jailer at sinabing sumasakit ang ulo ng suspek.

Dinala si Dizon sa loob ng opisina ng Station Commander at binigyan pa ng kape kaya’t tinanggal ang posas nito pero nang-agaw umano ito ng baril at pinaputukan si PO1 Javier pero hindi tumama ang bala ng baril kayat napilitang bumunot ng baril si P/Supt Bobby Glenn Ganipac at pinaputukan ng 2 beses sa dibdib si Dizon kung saan naidala pa sa Ospital ng Maynila pero hindi na umabot ng buhay.

Facebook Comments