Isang negosyante patay sa pamamaril sa Binondo, Maynila

Hina-hunting ngayon ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaking suspek sa pamamaril kaninang pasado ala-1:00 ng hapon sa Sunjoy building, Binondo, Manila.

Ang hindi pa nakilalang suspek na may taas na 5’6 hanggang 5’7, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na T-shirt, itim na balaclava (full face mask) at maong pants ay agad na tumakas.

Nabatid na ang nasabing suspek ay bigla na lamang nagpaulan ng bala sa ikalawang palapag ng gusali kung saan tinamaan ang biktimang si Wen Dun Chen, 50 years old, negosyante at naninirahan sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo.


Dead-on-arrival sa ospital si Wen.

Ang nasabing gusali ay nananatiling naka-kordon ngayon.

Facebook Comments