Isang negosyante sa Cauayan City, Patay sa Pamamaril!

*Cauayan City, Isabela- *Agad na namatay ang isang kilalang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek pasado alas nuebe kaninang umaga, Enero 23, 2019 partikular sa harap ng Mallig Plains Rural Bank sa Roxas St., Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Robert Tan Uy, 58 anyos, at residente ng District 2, Cauayan City, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa inisyal na report ng PNP Cauayan City, pinagbabaril si Uy ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng itim na helmet lulan ang motorsiklo habang ito’y naglalakad sa harap ng Sher’s Trading.


Agad na tumakas ang suspek lulan ang isang itim na Mio patungong Sto. Nino Subdivision matapos ang pamamaril.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa suspek.

Facebook Comments