3 pinaniniwalaang ISIS supporter, arestado sa Amerika

Tatlong pinaniniwalaang supporters ng Islamic state group ang inaresto sa Gerald Ford Airport sa Grand Rapids sa Michigan.

Ang mga suspek na nasa edad bente ay magkakaanak at mayroong video nila habang naghahayag ng suporta sa ISIS.

Sa nasabing recorded video tinatalakay din ng tatlo ang isasagawa dapat na car attack sa Amerika.


Ang tatlo ay pawang mamamayan ng Kenya pero naturalized citizens sa Amerika.

Facebook Comments