Isang negosyanteng lalaki, pinagbabaril patay sa Parañaque City

Namatay on-the-spot ang isang negosyanteng lalaki matapos na pagbabarilin sa harapan ng kanyang bahay sa 1929 Bagong Silang St, Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Kinilala ang ang biktima na si Raymond Bayot, 36 anyos, habang ang suspek ay nakilalang si Ronron Perez, 32 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalaro ng cellular phone ang biktima sa labas ng kanyang bahay ayaa biglang lumapit ang suspek at pinaputukan ng makailang beses sa ulo na siyang ikinamatay noon din.


Tumakas ang suspek pero sa ginawang follow up operation ay agad naaresto ang suspek kung saan nabawi ang  9mm Glock17 pistol na may 2 magazines na may lamang  28 bala na ginamit sa pagpaslang.

Facebook Comments