Isang NGO, inihirit sa ombudsman na imbestigahan ang maanomalyang flood control project kontra DPWH

Hiniling ng isang non-goverment organization (NGO) sa Ombudsman na magsagawa ng motu proprio investigation patungkol sa mahigit kalahating trilyong pisong maanomalyang flood control project ng mga kontratista ng Department of Public Ways and Highways (DPWH).

Mismo kasing si Pangulong Bongbong Marcos ay nagpahayag na ng kanyang pagkagalit, kamakailan at naglibot para tingnan ang mga umano’y flood control project na pawang mga “ghost” sa Bulacan.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Ben Tulfo ng IpaBitagMo Inc., mandato ng Ombudsman na mag-imbestiga sa mga iregularidad at anomalya sa pamahalaan.

Hindi na raw dapat hintayin pa ng Ombudsman ang resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee bagkus ay kumilos na ito at magsagawa ng kanilang hiwalay na motu proprio investigation.

Umamin na rin umano si DPWH Sec. Manuel Bonoan na totoo ngang may ghost flood control project sa DPWH.

Ito ang nagtulak sa IBMI-NGO sa tulong ng kanilang mga legal counsel sa kanilang pagsusumite ng petition letter sa Ombudsman noong Agosto 27, 2025. .

Pinagtibay naman ng kanilang lead legal counsel na si Atty. Rean Balisi ng IBMI-NGO, na wala silang nakikitang conflict kung magkakaroon ng sabay at hiwalay na imbestigasyon ang Ombudsman sa Senado.

Facebook Comments