Umapela ang isang charity group na bigyan ng mas higit na tulong ang mga bata sa Siargao matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay Nature Kids of Siargao founder Sanne Sevig, ilan sa mga bata ang namamatay na dahil sa diarrhea na nagreresulta sa dehydration.
Batid naman aniya nila ang pagsusumikap ng local health units na magtayo ng mga pansamantalang ospital pero higit pang tulong ang kailangan ng mga bata.
Giit ni Sevig, nangangailangan ng mas maraming pagkain at tubig na inumin sa ilang bahagi ng Siargao kaya ginawa na niyang donation hub para sa mga pribadong organisasyon ang kanyang bahay sa lalawigan.
Nakatuon din aniya sila sa pagtulong sa lokal na pamahalaan dahil kaya nilang maabot ang mga pamilya sa mga liblib na lugar.
Facebook Comments