Hinihikayat ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang publiko, partikular ang mg Katoliko na makiisa sa misa na gagawin para sa kapayapaan at katarungan bago ang ikalimang State Of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, July 27, 2020.
Sinabi ni Bishop Pabillo na nakikita niya na kailangan ng mga tao ng paggabay lalo na sa nangyayari ngayon sa bansa.
Dahil dito, ipinagdarasal ng simbahan ang mga frontliner na patuloy na tumutulong para mapigilan ang paglaganap ng virus, mga naapektuhang negosyo at mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa gitna ng krisis.
Hiling din ni Bishop Pabillo na maipaliwanag sana ng Pangulo sa kaniyang SONA ang kasalukuyang kalagayan ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Matatandaan naman na isa rin ang simbahan sa mga hindi pabor sa pagpapasara ng gobyerno sa ABS-CBN at sa pagsasabatas ng Anti-Terror Act sa gitna ng krisis.
Una na ring ipinahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na tutol sila sa mga umano’y paninindak ng Duterte administration.