Isang OFW advocacy group, hinihimok ang gobyerno na palakasin ang joint technical committee na tututok sa mga OFW na nasa bansang may kumprmadong N-CoV

Hinihimok ng isang OFW advocacy group ang gobyerno na palakasin ang isang joint technical committee na tututok sa kalagayan ng mga overseas filipino workers lalo na ang mga nagta-trabaho sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus o N-CoV.

Paliwanag ni Susan Ople ng Blas Ople Policy Center, sa ngayon ay hindi pa naman kailangan na palikasin o i-repatriate ang mga ofw na nasa mga bansang may nadadale ng N-CoV.

Pero may ilang mga pinoy na gusto nang umalis, lalo na mula Wuhan, China, dahil sa takot.


Tiwala naman si Ople sa mga kasalukuyang hakbang ng pamahalaan, upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW.

Pero sinabi niya na mahalagang may joint technical committee na magsasagawa rin ng assessment at information campaign para sa lahat ng mga ofw communities sa buong mundo.

Ayon pa kay Ople, ang joint technical committee, ani Ople, uubrang sanib-pwersa ng department of labor and employment, Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH).

Mahalaga din daw na alam ng OFWs ang mga kailangan nilang gawin, upang hindi matamaan ng N-CoV.

Ang joint technical committee naman ay dapat na may nakalatag nang aksyon, upang maayudahan ang mga ofw na maaaring dapuan ng sakit.

Facebook Comments