Inamin ng opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na binago nila ang expiration date ng mga face shield na ibinenta nila sa gobyerno.
Sa ika-siyam na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, inilabas ni Senator Risa Hontiveros ang recorded video ng isang boses ng lalaking empleyado umano ng Pharmally na nakatalaga sa warehouse nito.
Ayon sa lalaking naka-face mask, nakahood at pinalabo ang mukha bilang seguridad nito, nagre-repack sila sa warehouse ng Pharmally ng mga face shields na luma, madumi, yupi-yupi, nangingitim at naninilaw na ang kulay.
Habang sa pagre-repack, wala silang suot na gloves o anumang proteksyon sa katawan.
Saad pa ng witness, utos ni opisyal ng Pharmally na si Krizel Grace Mago ay palitan nila ng taong 2021 ang certificate ng face shield mula sa 2020 na production date nito.
Itinanggi naman ito ni Mago sa pagtatanong ni Senator Richard Gordon.
Maliban kay Mago, itinanggi rin ng secretary ng Pharmally na si Mohit Dargani ang pagkakasangkot sa isyu na isang beses rin umanong nakita ng witness.
Sa ngayon, dahil sa pag-amin ni Mago ay ipinanukala ni Senator Francis Pangilinan na dapat siyang protektahan ng Senado.