ISANG PAARALAN SA MANGALDAN, ISASAILALIM SA LOCKDOWN

69

Inihayag ng pamunuan ng Bari Elementary School sa bayan ng Mangaldan ang pagsasailalim nito sa lockdown dahil sa COVID-19.

Ayon kay Sir Joel Cervantes, punongguro ng paaralan, nagpositibo ano dito ang isang guro sa nakakahawang sakit.

Agad namang nakipag ugnayan ang pamunuan sa DepEd II, LGU Mangaldan at sa barangay council upang makapagsagawa ng agarang aksyon.


Sasailalim ang mga guro dito at empleyado sa quarantine na nagkaroon ng direktang pakikisalamuha sa guro bilang pag-iingat sa COVID-19.

Nagsagawa na rin ng disinfection ang lokal na pamahalaan sa naturang paaralan.

Sa kasalukuyan nasa labing walo na ang aktibong kaso ng sakit sa bayan sa kabuuang 446 na bilang.



Facebook Comments