Ang pagtuturo ay hindi isang biro. Akala ng iba ay ito’y isang madaling propesyon, pero sa katunayan ito ay isang bokasyon na pinaghahandaan ng mga mag aaral ng ilang taon. Sabi nga nila ang mga Guro ay ang ating ikalawang mga magulang dahil bukod sa pagtuturo ng tamang asal ay isa sila sa ating sandigan at sabihan ng problema.
Tulad ni Maam Maricar Alvarez ng Bonuan Gueset, ayon sa kanya hindi hadlang ang kahirapan para hindi tayo makapag aral, dahil kung talagang pursigido kang matuto at makapagtapos ay makakamit mo ito ng may pananalig sa Diyos. Ayon sa kanya ang guro ay may…
- Pangunahing tungkulin ng isang guro ang ang pagtuturo. Ang mahabang oras sa panahon ng guro ay ginugugol sa harap ng klase makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa katanungan ng mga mag-aaral.
- Ang guro ay “modelo” o “huwaran”
Sabi nga nila kung wala ang mga guro, wala na ang iba pang mga propesyon ngayon dahil simula pa lang sa pagkabata ng isang tao ay dumadaan na ito sa pagkalinga at pag tuturo ng isang guro. Ang pagiging guro ay kawili wili , masaya at isang pagkakataon para linangin sa pinakamataas na kasanayan ang bawat mag aaral mula sa kanyang kritikal na pag iisip hanggang sa kanyang kasanayan.
Sa Pagtuturo hindi lang yung karunungan ang ibinabahagi sa mga estudyante, kailangan din silang pakisamahan. Sa klase ng trabahong ito mahabang pasensya ang kailangan.
Kaya sa mga dakilang guro natin “Happy Wolrd Teachers Day”
Ikaw anong mensahe mo sayong Huwarang Guro? Share mo naman!