Isang unit sa Currency Condominium, nasunog

Pasig City – Nasunog ang isang unit na nasa ika-31 palapag ng Currency Condominium sa Julia Vargas kanto ng Garnet Road, Pasig City.
Nagsimula ang insidente alas 4:30 ng madaling araw na umabot sa 4th alarm ang nasabing sunog bago naideklarang fire out alas 6:15 ng umaga.
Ayon kay Fire Marshall Col. Arturo Marcos, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa napakataas ng gusali kung saan nagsimula ang sunog sa nag-over heat na aircon.
Sisilipin din nila kung bakit hindi gumana ang mga fire alarm ng naturang palapag at kung bakit hindi din gumana ang sprinkler nito.
Nagbabaan din ang mga occupant ng nasabing gusali, habang isinara pansamantala ang bahagi ng Julia Vargas kanto ng Garnet Road dahil sa mga nahuhulog na debris kaya’t nagdulot ito ng bigat ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments